(North Cotabato/ February 16, 2015) ---Tinatayang
abot sa mahigit sa isang libung mga indibidwal ang nagsilikas dahil sa takot na
madamay sa engkwentro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Barangay Kalbugan, Pagalungan,
Maguindanao noong Sabado, Pebrero 14.
Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay
Col. Orlando Edralin, Commanding Officer ng 7th IB, PA, isa ang
naiulat na namatay na namatay na patuloy pa nilang kinukumpirma hanggang sa
kasalukyan.
Pansamantala munang nananatili ngayon sa
Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato ang mga evacuees.
Maliban sa nasabing lugar, may mga
nagsilikas din buhat sa Pagalungan, Maguindanao.
Sa ngayon, tensyunado pa rin ang nasabing
lugar dahil sa presensiya ng mga armadong grupo.
Nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan
ang grupo nina BIFF Commander Shiek Muhiddin Animbang alias Commander Karialan
at MILF Commander Jack Abas na nauwi sa sagupaan.
Ito na ang ikatlong engkwentro sa pagitan ng
dalawang grupo matapos ang una noong Pebrero 9 at 11.
Maaalalang umabot sa lima ang patay sa hanay
ng MILF kabilang ang kanilang kumander sa panibagong engkwentro.
Patuloy pa naman na kinukumpirma ng militar
ang bilang ng mga casualties. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento