Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga nagsilikas sa bayan ng Pikit, nagkakasakit na!

(Pikit, North Cotabato/ February17, 2015) ---Patuloy ngayon ang pananawagan ng Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Mangement Council na tuldukan na ang giriian ng dalawang armadong grupo matapos na umakyat na sa isang libung pamilya ang nagsilikas sa kani-kanilang pamamahay sa boundary ng Pikit, Cotabato at Pagalungan, Maguindano.

Ayon kay Pikit MDRRMC Head Tahira Kalantungan sa panayam ng DXVL News, umaabot na sa anim na barangay ang apektado sa nasabing giriaan mula sa Brgy. Kabasalan, Brgy. Buliok, Barungis at mga barangay na sakop hanggang sa Brgy. Bago Inged ng nasabing bayan at
umaabot na sa isang libung pamilya o may kabuuang bilang na mahigit kumulang sa 9 na libung idibidwal ang nagsilikas bunsod sa nagpapatuloy na tensiyon sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal na takot umano mula sa panaka nakang putok ng baril ang dahilan upang magsilikas ang mga sibilyan.


Nananawagan naman ang opisyal sa mga armadong grupo na tuldukan na ang girian ng mga ito sapagkat ang direktang naapektuhan ay mga walang kinalamang mga sibilyan sapagkat meroon nang nagkakasakit sa mga evacuation centers at sa katunayan ay naglagay na nga sila ng command post ng health para tumutok sa mga nagkakasakit na sa lugar. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento