(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015)
---Nananawagan ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa
publiko na tulungan sila sa pagbabantay ng transmission facility upang maiwasan
ang dagdag na pasanin na maipapasa sa mga konsumedures ng kuryente.
Ito ang sinabi ni NGCP Corporation
Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance ‘Bambie’ Capulong
sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya, kapag may masisirang mga tore o
anumang pasilidad ng transmission line na kagagawan ng tao o maging ng
kalamidad na hindi kontrolado ng NGCP ay kanilang ipapasa sa mga kumukonsumo ng
kuryente.
Pero ang halaga ng pagsasa-ayos nito at
rehabilitasyon ng pasilidad ay i-reregulate naman ng Energy Regulatory
Commission o ERC bago nila ipapataw ang nasabing singil.
Umaapela din si Capulong sa mga residente na
malapit sa tore ng NGCP na agad na ireport sa otoridad o sa kanilang pamunuan
ang anumang mga irregularities sa nasabing transmission facility. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento