Christine Limos
(Kabacan,
North Cotabato/ March 12, 2015) ---Dismayado ang National Union Journalist of
the Philippines o NUJP sa pansamantalang pagkakalaya ng isang akusado sa
Maguindanao massacre na si Sajid Ampatuan.
Sa
panayam ng DXVL news inihayag ni NUJP director Nonoy Espina inihayag nitong ang
NUJP ay dismayadong dismayado ngunit hindi umano nakikisali ang NUJP sa legal
na aspeto ng kaso.
Ang
papel umano ng mga ito ay magmatyag, magbantay at tumulong sa mga pamilya ng
mga kasamahan sa hanap buhay na nasawi sa masaker.
Dagdag
pa ni Espina na hindi lamang NUJP kundi ang iba pang sambayanan na igiit sa
Department of Justice na ayusin ang paglitis sa kaso.
Kung
titingnan umano ang pagbibigay ng pyansa kay Sajid Esmael Ampatuan ay masisisi
sa prosecution.
Ang
ibig sabihin umano nito ay mahina ang ebidensya na inihain sa korte.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento