By: Christine Limos
(Kabacan,
North Cotabato/ March 12, 2015) ---Ipinaliwanag ng Cotabato Electric
Cooperative o COTELCO ang pakaputol at pagtanggal ng mgastreet lights sa bayan
ng Kabacan.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni COTELCO spokesperson Vincent
Baguio depende umano kung saan naka pangalan ang mga street lights, kung naka
pangalan sa Kabacan LGU o sa baranggay Poblacion.
Tinatanggal din nila umano ang
mga street lights na walang connection order o mga ilaw na illegal na ikinabit.
Ayon din kay Baguio na ang kooperatiba lamang nila ang may katungkulan na
pumutol ng serbisyo ng kuryente at ang may katunggulan na magbalik ulit ng
linya ng naputol na kuryente.
Ginagawa
rin daw umano ng COTELCO ang lahat ng makakaya upang matanggal ang mga hindi
naka bayad at mga ilaw na illegal na ikinabit. Aktibo umano ang kooperatiba sa
panghuhuli ng mga illegal tapping. Isa umano ito sa paraan upang mapababa ang bayarin
sa kuryente lalo na sa system loss. Ipinaliwanag din niya na hindi naman daw
umano talamak ang illegal tapping sa bayan ng Kabacan dahil natututukan naman
ang mga ito.
Siniguro
din ni Baguio sa mga konsumidores ng COTELCO na may mga plano na ang
kooperatiba upang masiguro ang normal na serbisyo ng kuryente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento