Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber, utas sa tandem

(North Cotabato/ March 9, 2015) --- Personal na motibo ang sinusundang anggulo ng mga otoridad sa pagbaril at pagpatay sa isang driver sa Jose Lim Sr Street partikular sa harapan ng Toledo Terminal Cotabato City, pasado alas dose ng tanghali noong Sabado.

Kinilala ni Police Station 1 Commander Sr. Ins. Efren Salazar ang biktima na si Karim Enok, 35 anyos, may asawa na taga Mother Barangay Tamontaka ng lungsod.

Ayon kay Salazar maghahatid lang sana ang biktima ng kanyang pasahero ngunit pagdating nito sa terminal ay agad na binaril ng suspek na mabilis ring tumakas.

Mabilis pang naisugod sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang leeg at katawan pero binawian rin ng buhay.

Inaasahan naman ngayong araw ang pahayag mula sa pamilya ng biktima para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at sa tunay na motibo sa pagbaril nito. DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento