Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotabato City, muling ginulantang ng pagsabog ng IED

(Cotabato City/ March 11, 2015) ---Isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa harap mismo ng headquarters ng 6ID, Philippine Army sa may bahagi ng Quezon Avenue Extension, sa lungsod ng Cotabato alas 7:30 kagabi.

Sa ulat ng pulisya, wala namang may naiulat na sugatan o na-damage sa nasabing pagsabog.

Narekober sa blast site ang ilang mga komposisyon ng pampasabog kagaya ng 9volt Everyday Battery, isang piraso ng fragmented circuit ng connector para sa baterya at isang cell phone LCD cover.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na posibleng pananakot lamang ng armadong pangkat ang nasabing pagpapasabog.

Napag-alaman na nagpapatuloy kasi ang ginagawang focused military offensive ng militar kontra BIFF. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento