(Kabacan, North Cotabato/ March 10, 2015)
---Nakaambang magtaas ng singil sa tubig ang Kabacan Water District o KWD.
Ito ayon kay KWD General Manager Ferdie Mar
Balungay sa panayam ng DXVL News.
Aniya, ang nasabing panukala ay nakabinbin
pa ngayon sa Local Water Utilities Administration o LWUA at dadaan pa ito sa
butas ng karayom.
Ang LWUA ang mag-e-evaluate kung
karapat-dapat ang panukalang pagtaas ng Kabacan Water District sa nakatakdang
ipatupad na adjustment rate nila.
Napag-alaman na walong taon na ang nakalipas
ng muling magpatupad ng taas singil sa tubig ang KWD.
Sinabi ni GM Balungay na isa ang Kabacan
Water District sa buong Mindanao ang may pinakamababang rate sa water Bill.
Ipinaliwanag din nito na ang minimum rate na
binabayaran ng mga konsumedures ng Kabacan Water District ay P157 at planung
itaas sa P172.
Kaugnay nito, may sapat na tubig ang KWD at
hindi ito naaapektuhan ng papalapit na El Niño sa bayan, giit ni Balungay sa
DXVL News. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento