Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OPA Fisheries Division Nagsagawa ng Fish Processing Training para sa mga Kabataang nasa Crisis Intervention Center

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ March 11, 2015) ---Upang matulungang magkaroon ng pagkakakitaan ang dalawampung mga kabataang nasa pangangalaga ng Crisis Intervention Center sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office, nagsagawa kamakailan ang OPA Fisheries Division ng isang technology demonstration on Fish Processing particular sa paggawa ng tilapia lamayo at deboned bangus.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, regular na nagsasagawa ng ganitong aktibidad ang Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nagrerequest ng training upang magkaroon ng livelihood ang mga kalahok mula sa kanilang matutunan sa technology demonstration.

Ang maganda rito ay may kaakibat itong return demonstration ng mga kalahok na aktuwal na gagawa din ng sarili nilang tilapia lamayo at deboned bangus upang maseguro na natuto sila ng fish processing with value adding, dagdag pa ni Senior Aquaculturist Ernesto Petros na siyang kasalukuyang namumuno sa Fisheries Division ng OPA.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Ms. Virginia Lomonggo na nagturo sa mga kalahok ng fish processing.


Suportado naman ito ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang ganitong aktibidad bilang bahagi ng Serbisyong Totoo program katunayan naglaan siya ng kaukulang pondo para rito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento