(Kabacan, North Cotabato/ March 14, 2015)
---Patay ang isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa nangyaring
pamamaril sa Sitio Malinan, Brgy. West Patadon, Matalam, Cotabato ala 1:30
nitong Biyernes.
Ayon
kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Samod
Baraguil, 48-anyos, may asawa, magsasaka at miyembro ng MILF sa ilalim ni Hadji
Mansur Imbong ng 5th Brigade, 108 Based command at residente ng nasabing lugar.
Batay
sa inisyal na pagsisiyasat ng kapulisan, na habang nag-aani ng tubo (sugarcane)
ang biktima sa nasabing lugar ay bigla na lamang itong pinaputukan ng mga di pa
matukoy na bilang ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang buhat sa pangkat rin
ng MILF sa ilalim ni Kumander Pangkoy Sali.
Napag-alaman
na ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng
kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Malaki ang paniniwala ng kapulisan na ang
pinag-aagawang lupa ang isa sa mga motibong sinusundang anggulo sa pagpatay sa
biktima. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento