by: Christine Limos
(Kabacan,
North Cotabato/ March 18, 2015) ---Nanawagan si Brgy Tamped Kapitan Daniel
Saliling ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa lalawigan upang bigyan ng
pansin ang nararanasang tagtuyot sa kanilang baranggay.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal
na sana’y bigyan sila ng kaunting tulong.
Ipinaliwanag din ng opisyal na isandaang
porsyiento ng kanilang tanimang sakahan sa brgy Tamped ang apektado ng
tagtuyot.
Di na umano pwedeng mapakinabangan ang mga tanim partikular na ang
pananim na mais at saging dahil sa tinamaan na ito ng matinding tag-tuyot.
Halos dalawang buwan na rin kasing di
umuulan.
Nasa vegetative at productive stage na ang
mga pananim na apektado ng tagtuyot.
Dagdag din ni Kap Saliling na wala umano
silang magagawa na alternatibo kundi maghintay ng tulong mula sa gobyerno.
Aniya walang palayan sa kanilang baranggay dahil ito ay nasa upland area hindi
rin irrigated. Nasa mahigit kumulang isandaang ektarya umano sa kabuuan ang
apektado ng tag tuyot.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento