(Makilala, North Cotabato/ March 17,
2015) ---Inaasahang nasa 8 libong mga indibidwal ang dadalo sa gaganaping SOPA
ni Cotabato Province Gov. Lala Taliño Mendoza sa Makilala Municipal Gym ngayong
araw.
Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan
sa panayam ng DXVL News.
Anya isa umanong malaking karangalan ang pagpili sa kanilang bayan para dausan ng SOPA ng mahal na gobernadora ng probinsiya.
Limang libo katao umano ang kasya sa
Makikilala Municipal Gym at meroon
namang nakahandang mga alternatibo sa
mga hindi makapasok sa loob.
VC:Caoagdan
Dagdag pa ng opisyal na nakahanda na
rin umano ang lahat lalong lalo sa sa aspeto ng seguridad at nandoon narin
umano ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang namamahala sa paghahanda sa
nasabing aktibidad.
Inaasahang dadalo sa nasabing
aktibidad ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno sa probinsiya at sa nasyonal.
Matatandaang ginanap ang SOPA noong
nakaraang taon sa Distrito uno ng lalawigan sa bayan ng Carmen, at ngayong taon
sa pangalawang distrto sa bayan ng makilala.
Ilalahad sa nasabing aktibidad ang
mga programang naipatupad ng pamunuan ng PGNCot sa pangnguna ng gobernadora at
ang mga nakahilirang mga programang ipapatupad ng administrasyon nito sa
susunod na taon sa kanyang panunungkulan.
VC:
Caoagdan
Samantala inaanyayahan naman ng
opisyal ang mga
Cotabateño na dumalo at makinig sa
SOPA. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento