Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kahulugan ng ‘Bangsamoro’ ipinaliwanag ng dating North Cotabato MILF Spokesperson

(Kabacan, North Cotabato/ March 16, 2015) ---Nagbigay ng paliwanag ang dating MILF spokesperson Jabib Guiabar hinggil sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na ang ibig sabihin ng Bangsa ay nangangahulugan na lahi at hindi nation at ang ibig sabihin ng Moro ay isang tribu ng Islam.


Ipinaliwanag din ni Guiabar na ang laman ng BBL ay framework agreement on bangsamoro at comprehensive agreement. Pinirmahan daw umano ito ng walang pag aalinlangan at wala daw umanong nagsabi na unconstitution ito.

Aasahan din daw umanong magkakaroon na ng kapayapaan kapag naipasa na at naaprubahan ang BBL.

Magkakaroon din daw umano ng development. Samantala, ipinaliwanag din ng opisyal na ang magsasabi lang umano na unconstitutional ang ibang probisyon sa BBL ay ang korte suprema.


Ang susi umano ay ang sinseridad ng gobyerno lalong lalo na ng MILF upang makamit ang kapayapaan. Malaki daw umano ang pinagbago ng  peace in order sa Mindanao at ng buong Pilipinas simula ng magkaroon ng cease fire. Christine Limos & Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento