Christine
Limos & Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ March 17,
2015) ---Ginawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng
Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang bayan ng Kabacan
ng Seal of Child Friendly Local Governance sa General Santos city kamakailan.
Ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat
sa panayam ng DXVL News na isang malaking karangalan ang nakamit ng bayan.
Aniya, makukuha umano ang nasabing
parangal kapag ang mga programang ipinapatupad ng LGU ay naayon sa kapakanan at
kabutihan ng mga kabataan.
Maraming mga batayan upang makuha ang
nasabing karangalan kabilang na dito ang pagpapatupad ng aktibong school board
sa bayan, Phil-health Programs, may mga ordinansa hinggil sa kapakanan ng mga
kabataan at mga safety measures na ipinapatupad sa mga kumonidad at mga
paaralan sa bayan at marami pang iba na kung saan ay naipasa ito ng LGU kabacan.
Giit pa ng opisyal na ang Seal of
Child Friendly Local Governance ay isa rin sa mga criteria na kailangan kasama
ang Seal of Good Housekeeping na nakuha narin ng bayan para rin para makuha ang
Seal of Good Governance para makatanggap ng proyekto ang Local Government.
Laking pasasalamat ng opisyal sa
lahat ng ahensiya sa bayan na may mga proyekto at mga serbisyong ipinapatupad
sa bayan hinggil sa kapakanan at kabutihan ng kabataan kagaya ng mga paaralan,
hospitals at iba ditto sa bayan na naging daan upang makuha ang nasabing titulo
sapagkat nabilang umano ang lahat ng ito.
Binigyang diin ng opisyal ang
malaking tulong ng pagtutulungan at pagkakaisa ng pamunuan ng LGU ng Kabacan sa
pangnguna ni Mayor Herlo Guzman Jr. at nang Sagguniang Bayan para sa mga
proyektong pinapatupad nito para sa mga Kabaceño lalong lalo na sa mga
kabataan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento