Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 dedo sa road mishap

Rhoderick Beñez

Photo by: Benny Queman 
(Libungan, North Cotabato/ March 16, 2015) -– Tatlo-katao ang namatay habang dalawa naman ang sugatan sa naganap na road mishap sa Barangay Sina­wingan, bayan ng Libungan, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Jojet Nicolas, hepe ng Libu­ngan PNP ang mga namatay na sina Engr. Soriano Mastura, 24, kawani ng DSWD-ARMM na driver ng itim na Hilux pick-up truck; Dave Matala na nakaupo katabi ng driver’s seat na kapwa taga- Cotabato City; at si Sheila Gatoc, 27, ng Barangay Sinawingan. Sugatan naman sina Abdul Malik Ogokun at Adrian Dimatingcal na nakasakay sa likuran ng pick-up ni Mastura.


Base sa police report, nawalan ng control sa manibela si Mastura nang mag-overtake ito sa isang fish cart kaya nasalpok si Gatoc na nagwawalis sa gilid ng kalsada.

Nagtuluy-tuloy ang sasakyan ni Mastura sa mga punungkahoy kung saan nahagip ang pader ng klasrum ng Sinawingan Elementary School.


Napag-alamang papauwi na sa Cotabato City ang mga biktima mula sa Davao City nang makasalubong si kamatayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento