(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Pasok
na sa Regional Level ang LGU Kabacan bilang nominado sa Gawad Pamana ng Lahi sa
Provincial Category matapos ang isinagawang evaluation batay sa tatlong
criteria na inilatag ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ayon kay Administrative Officer Cecilia
Facurib dumaan sa butas ng karayom ang masusing pagsisiyasat sa lahat ng
dokumento ng pamahalaang lokal mula sa over-all performance ng LGU, Innovation
at mga awards.
Sa 17 mga munisipyo at isang lungsod ng
probinsiya ang bayan ng Kabacan ang nangunguna at namumukod tangi sa mga LGU sa
North Cotabato dahilan para ilaban ito sa iba pang mga lungsod at munisipyo sa
Rehiyon dose.
Kabilang sa mga ini-valuate ay ang administrative governance; social governance o mga serbisyong ibinibigay ng LGU Kabacan kungsaan mataas ang kuha nito mula sa health services, Support education services, Support to Housing and Basic Utilities at Peace, Security and Disaster Risk Management; Economic Governance; Environmental Governance at ang Valuing Fundamentals of Governance.
Sa mga innovation naman, saludo ang mga
evaluators sa Eco-solid Waste Management Program ng LGU hinggil sa pagbabawal
at pagreregulate sa paggamit ng plastic, cellophane at Styrofoam habang pasok
naman ang Gender Welfare Assistance Center o GWAC.
Bukod dito, nakadagdag pa sa puntos ang
iba’t-ibang mga parangal na inani ng pamahalaang lokal kagaya ng ESWM best
practices sa iginawad ng DENR-12 sa LGU Kabacan at pang Rank number 8 sa Revenue
Collection sa buong Region 12 at iba pa, ito ayon kay Facurib. (Rhoderick
Beñez)
nice!
TumugonBurahin