Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga alahas, pera at iba pang mga mahahalagang gamit ng 3 mga Profs. ng USM, natangay matapos na ma-hold-up sa Datu Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/July 16, 2012) ---Hinold-up ng mga di pa nakilalang mga salarin ang mga Professors ng University of Southern Mindanao o USM habang binabaybay nila sakay sa kanilang kotse ang National Highway ng Datu Montawal, Maguindanao nitong gabi ng Sabado.


Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na sina University Prof. Dr. Cayetano Pomares kasama ang Misis nitong si Milagrina at ang isa pang kasama na si Evelyn Esteban.

Galing umano ang mga ito sa bayan ng Pigcawayan papauwi na dito sa Kabacan ng harangan ng mga suspek ang kalsada ng mga punong kahoy dahilan para huminto sa pagmamaneho si Dr. Pomares.

Nasugatan pa ang biktima sa kanang kamay nito ng saksakin sana ng suspek pero dahil sa may paparating na isa pang sasakyan agad na tumakas ang mga ito.

Natangay ng mga suspek ang 1 Nokia E26, 1 Nokia Cellphone, 1 Samsung, 2 pang mga cellphones, 3 ATM Land bank Cards, 2 mga pitaka na naglalaman ng P1,080.00, 2 mga bags na pag-mamay-ari nina Julius Gil at Rizal Alejo, mga alahas at iba pang mga personal na gamit ng mga biktima.

Sa ngayon, ini-imbestigahan na ng Datu Montawal PNP ang nasabing pangyayari para mapanagot ang mga responsable sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)        

0 comments:

Mag-post ng isang Komento