(Tulunan, North
Cotabato/July 17, 2012) --- Abot sa Tatlong daan at Tatlumpu’t pitong mga pamilya
ang umano apektado ng mga pagbaha sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.
Ito ang lumabas sa
monitoring ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
Ayon sa report,
nagsimulang umapaw ang mga ilog sa bayan ng Tulunan, bandang alas-4 ng hapon,
noong Sabado, nang magtuluy-tuloy ang mga pag-ulan.
Hanggang baywang raw ang
tubig-baha, ayon sa ilang mga residente ng Barangay F Cajelo; Minapan, partikular
sa mga Purok Uno, Dos, Tres, Sais, at Siete; La Esperanza; Poblacion,
partikular sa Purok 8; at Galidan.
Agad raw nakipag-ugnayan
ang Tulunan municipal disaster risk reduction management council sa Office of
the Civil Defense at sa DSWD para sa kaukulang relief at cash assistance.
Hindi pa deklarado na
‘under state of calamity’ ang bayan ng Tulunan.
May ilan ding mga
barangay sa bayan ng Kabacan ang apektado rin ng mga pagbaha partikular sa
brgy. Salapungan kungsaan lubog sa tubig
baha ilang mga pananim napalay doon, ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction
Officer Dr. Cedric Mantawil.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento