Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MOA signing hinggil sa Bamboo Planting Program, lalagdaan ngayong araw sa Cotabato Provincial Capitol

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Lalagdaan na ngayong araw ang Memorandum of Agreement o MOA hinggil sa programang Bamboo Planting Program ng Provincial Government na gagawin sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.


Pangungunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang nasabing signing of MOA kasama si Kabacan Mayor George Tan at USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije.

Kaugnay nito, sinabi ni Kabacan MENRO Officer Jerry Laoagan na nito pang nakaraang Biyernes inilunsad ang nasabing programa sa likurang bahagi ng Pres. Asinas Amphitheater, USM Main Campus, Kabacan, Cotabato.

Layon ng nasabing pagtatanim ng mga kawayan na maprotektahan ang lumalaking ilog ng Kabacan river dahil sa patuloy na erosion sa gilid ng ilog.

Sinabi ng opisyal na abot sa pito hanggang sampung libung mga Apo’s na variety ng kawayan ang itatanim.

Ang mga seedlings ay ibibigay ng Provincial government habang ang Kabacan LGU sa pamamagitan ng MENRO ang mag-papatupad ng nasabing programa at ang mga mag-aaral naman ng USM ang magtatanim nito.

Sisimulan ang programa sa unang linggo sa buwan ng Agosto, ayon kay Loaogan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento