Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang Rechargeable na Electric Fan, naimbento ng faculty ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Tatlong mga faculty ng University of Southern Mindanao ang naka-imbento ng Rechargeable Electric Fan.  

                                                      
Ang nasabing Rechargeable Electric Fan ay pinapatakbo ng 12 volts automotive battery at gumagamit lamang sila ng isang inverter device upang maging 220 volts.  
                                                     
Nito pang 2009 sinimulan ang nasabing imbensyon, ito dahil sa palagiang nakakaranas na power interruption ang bayan ng Kabacan sa kasagsagan ng pagpapatupad ng cotelco ng load curtailment.

Ang nasabing electric fan ay naimbento ng faculty ng Department of Indutrial Technology na kinabibilangan nina Prof. Solomon Presto, ang project leader, Prof. Uldarico Lavalle Jr, technical supervisor ng DXVL Radyo ng bayan at Prof. Samson Rapuza.

Noong 1886 naimbento ni Schulyer Wheeler ang kauna-unahang electric fan habang si Willis Haviland Carrier ang unang naka-imbento ng air conditioner system. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento