Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

21-anyos na binata, panibagong biktima ng shooting incident sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 19, 2012) ---Isa namang shooting incident ang naganap sa bayan ng Kabacan, Partikular sa Roxas St., Poblacion ala 1:00 ng madaling araw kanina.  
                                                                                    
Ayon sa report ng Kabacan PNP, nakilala lang ang biktima sa pangalang Jay, 21, wala permanenteng tirahan, ito ayon na rin sa kanyang girlfriend na nakapanayam ng PNP Kabacan.   
      
Si Jay, ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa mukha.        
                       
Hindi pa matukoy ng pulisya kung anung klaseng baril ang ginamit sa pagtumba sa biktima dahil wala naman umanong narekober na empty shell o slug sa crime scene.  
                        
Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist subalit binawian na rin ito ng buhay bago mag-alas 4:00 ng madaling araw kanina.   
         
Ito na ang ikatlong kaso ng shooting incident sa Kabacan sa loob lamang ng linggong ito.   
 
Ang una ay isang negosyante na si Freddie Gambalan na hinold-up muna bago pinatay at ang isa ay ang kawani ng korte na si Lorena Navaira Somera ng Kabacan Municipal Trial Circuit Court at residente ng Barangay Bannawag, Kabacan.        
           
Kaugnay nito, nagpatawag naman ng pagpupulong ang Kabacan Muncipal Peace and Order council ng meeting mamayang alas 2:00 ng hapon para mapag-usapin ang kasalukuyang Peace and Order situation ng bayan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento