(Magpet, North Cotabato/July 17,
2012) ---Nakubkob ng mga sundalo ng 57th Infantry Battalion ang isa
sa pinakamalking kampo ng New People’s Army sa isang bulubunduking lugar sa
bayan ng Magpet, kahapon.
Ayon kay 57th IB
Commanding Officer Lt. Bruno Hugo, ang nasabing kampo ng mga rebelde ay nasa
kontrol na ngayon ng mga militar na nasa Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan,
isa sa mga lugar sa bayan ng Magpet na sinasabing impluwensiyado ng mga New
Peoples’ Army (NPA).
Sinabi ni Hugo na nagsimula ang
palitan ng putok sa magkabilang panig alas 10 ng umaga kahapon.
Dakong 1:30 ng hapon kahapon ng
tuluyang makontrol ng mga militar ang pinakamalaking kampo ng militar sa Barangay
Bagumbayan.
Dagdag pa ng opisyal na narekober
nila matapos ang nasabing bakbakan ang mga personal na gamit ng mga NPA at
ilang mga dokumento kungsaan abot sa mahigit sa tatlong daang mga rebelde
sinasabing kumukuta sa nasabing kampo. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento