(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Inirereklamo
ng ilang mga estudyante at mga magulang ang umano biglaang pagtaas sa tuition
at miscellaneous fee ng Central Mindanao Colleges o CMC – ang premier private
tertiary education sa Kidapawan City.
Ayon sa mga complainant, nagtaas ng
tuition ang CMC nang ‘di dumaan sa konsultasyon.
Kinuwestyun din nila ang kawalan ng
student handbook.
Ayon sa management ng CMC ang
naturang reklamo, todo-tanggi sila sa mga alegasyon.
Ayon kay Vice-President for
Institutional Services Rolando Poblador, walang katotohanan ang report na
nagkaroon ng tuition fee hike ang kanilang institusyon.
Maliwanag sa isinasaad ng Memorandum
Order Number 3, series of 2012 na ipinalabas ng Commission on Higher Education
o CHED, na bago magtaas ng tuition sa isang pribado o pampublikong institusyon,
kinakailangan ang malawakang konsultasyon sa mga magulang at mga estudyante.
At kailangan, ang 70 percent sa tuition fee hike ay para
pandagdag sa sahod ng faculty, staff, at sa administration.
Sinabi ngayong hapon ni MSWD Officer Susan Macalipat na
ang mga 4p’s beneficiaries na walang mga Cash card o ATM na hawak ang maari
lamang makakuha ng kanilang cash assistance sa pantawid pamilyang programa
bukas sa pamamagitan ng over the counter sa Land bank-Kabacan.
Kaugnay nito wala pang schedule na ang para sa may mga
hawak ng cash card, antabayanan ang schedule na iaanunsyo naman ng pamunuan ng
MSWD Kabacan.
Samantala,
WINNER
sa katatapos lamang na poster-making contest na ginanap sa Kidapawan City at
isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga
artist na sina Exequiel Ulan ng Notre Dame of Kidapawan College Integrated
Basic Education para sa high school category at Al Jake Leri ng Lanao Central
Elementary School para sa elementary category.
Ang
poster making ay isa lamang sa naging aktibidad ng 2012 Environment Month.
Abot
sa 25 ang mga partisipante sa naturang contest – 10 mula sa elementarya at 15
mula sa high school, ayon kay Provincial Environment and Natural Resources
Officer Andrew Patricio.
Second
placer sina Alejandro Olayan ng Linangkob National High School sa high school
at April Aye Alibangbang ng Isidro Lonzaga Memorial Elem School sa elementary.
Third
placer sina Alster Rey Ende ng Spottswood Methodist High School sa high school,
Hope Maldepena ng Kidapawan City Pilot Elementary School sa elementary.
Ayon kay
PENRO Patricio, layon ng poster-making na palaganapin – sa hanay ng mga
mag-aaral, ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento