CPPSC Supt. Alex Tagum |
Kaya ang mga ito ay nahaharap sa kasong
paglabag sa illegal logging.
Ito ay matapos ang isinagawang operasyon sa
brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali kungsaan narekober doon ang
talamak na illegal logging activities.
Agad na ginalugad ng mga elemento ng Kabacan
PNP na pinamumunuan ni Supt. Raul Supiter, Supt. Alex Tagum ng Cotabato Public
Safety Company, PCI Tirso Pascual at 2nd Manuever Company ang Rizal
St., at Roxas St. sa National Higway at doon na nalaman na karamihan pala sa
mga nagtitinda ng lumberyard ay walang permit.
Kabilang sa mga nagtitinda na walang permit
mula sa DENR ay ang sumusunod: Lumberyard & Native Products na
pag-mamay-ari ni Randy Dilangalen na nasa National Higway, MGH Lumber Supply na
na pag-mamay ari ni Melinda singkala; Lumber and supply na pag-mamay ari ni
Sultan Satar na nasa roxas St.; Kashmir Lumberyard and Native Products ni Venus
Pedtucasan at iba pa.
Ang kaso kontra sa mga ito ay inihahanda na
ng mga otoridad kapag di makapag-isyu ng permit ang mga ito mula sa DENR. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento