(Kabacan, North Cotabato/July 6, 2012) ---Sariwa
pa ang ilang mga pinutol na kahoy ng datnan ng mga otoridad ang pinaniniwalaang
adopted watershed area ng Kabacan Water District sa bulubunduking bahagi ng
Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.
Ang illegal logging activities sa lugar ay
nagiging talamak na makaraang nakakalbo na ang lugar dahil sa mga sindikatong gupo
na gumagawa nito, na ayon sa report ay mga residente ng kalapit na brgy. ng
Pisan kagaya ng brgy. Buluan, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.
Nanguna sa nasabing operasyon si Supt. Raul
Supiter, hepe ng Kabacan PNP; Cotabato Police Public Safety Company na
pinamumunuan ni P/Supt. Alex Tagum, 2nd Manuever Company na
pinangungunahan ni Insp. Peter Pinalgan.
Bagama’t walang naabutan ang mga elemento ng
pulisya, titiyakin naman ng mga ito na mananagot sa batas ang mga responsable
sa nasabing illegal logging sa lugar.
Kasama sa isinagawang operasyon kampanya
kontra illegal logging ang Chief Forest Protection Unit ng DENR-CENRO na si
Dionisio Hernandez, CENRO team leader Kabacan Amor Baniaga at Kabacan MENRO
Officer Jerry Laoagan.
Tinatayang aabot sa mahigit kumulang sa anim
na libo ang halaga ng mga pinutol na kahoy di pa kasali ang mga naipaanod na
nila sa ilog.
Kabilang sa mga kahoy na talamak na
pinuputol sa nabanggit na lugar ay ang G-melina at Molave.
Pero ang Molave, ay naturally grown na
mahigpit na ipinagbabawal ang pagputol nito batay sa total log ban na
ipinapatupad ni Pangulong Pinoy at deriktiba na rin ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala”
Taliño Mendoza.
Ayon sa CENRO Midsayap, ang bayan ng Kabacan
ang sinasabing talamak ang illegal logging activities at sinusundan naman ng
bayan ng Alamada, pero bago pa man lumala ang nasabing illegal na aktibidad sa
Alamada ay nasugpo na nila ang nasabing gawain unang distrito ng North
Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento