Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

In-house Review ng CED-USM, tugon para mapataas ang passing rate ng Pamantasan sa LET

(Kabacan, North Cotabato/June 2, 2012) ---Plano ng College of Education ng University of Southern Mindanao na isagawa ang in-house review sa mga graduating students ng kolehiyo para matiyak na ang lahat ng kukuha ng Licensure Examination for Teachers ay dadaan sa masusing review, ito para mapataas ng passing rate ng Pamantasan sa LET.


Pero sa kabila nito, tutol ang ilang mga opisyal at miyembro ng National Union of Students of the Philippines o NUSP sa plano ng Pamantasan dahil sa di dumaan sa nasabing konsultasyon ang naturang plano, ayon kay NUSP-Cotabato Chapter Regine Luz Aprosta.


Para mapag-usapan, ipinatawag ang mga magulang ng mga estudyante nitong Biyernes kungsaan, hinusay doon ang paniningil diumano ng kolehiyo ng P20 thousand sa bawat estudyante na sasailalim sa nasabing in-house review.

Ayon kay Prof. Epifania Sabutan, ang nasabing halaga ay projection lamang nila sa posibleng gagastahin ng mga estudyante bilang pambayad sa kanilang tuition sa susunod na semester kasali na dito ang uniform sa internship, mock board exam at in-house review fee.

Sa nasabing meeting ng mga estudyante at magulang, doon ipinaliwanag na babayaran ang napagkasunduang halaga ng buwanan para di masyadong mabigat sa bulsa ng mga magulang.

Nilinaw ni College of Education Dean Dr. Lawrence Tandog na wala silang sinisingil na ganoong halaga sa mga estudyante taliwas sa mga balitang lumabas na reklamo ng mga ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento