Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM at North Cotabato Province, pinasalamatan ni Agham Partylist Congressman Palmones sa patuloy na pananaliksik sa BT Talong

APR: Angelo Palmones
(USM, Kabacan, North Cotabato/July 4, 2012) Bagama’t hindi pa tapos ang isinasagawang field trial ng BT Talong dito University of Southern Mindanao, agad na nagpa-abot ng kanyang pagbati si Agham Partylist Representative Angelo Palmones sa pamunuan ng USM at sa provincial government ng North Cotabato hinggil sa pananaliksik na ito.
BT Talong Site

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang Study Visit and Seminar on the Safe and Sustainable Agriculture through Biotechnology kamakailan sa BT Site sa loob ng Pamantasan.

USM Pres Dr. Jess Derije
Dr. Lourdes Taylo
Aniya, kung sakaling magtagumpay ang research na ito, malaking potensiyal hindi lamang sa probinsiya ng North Cotabato kundi maging sa buong bansa dahil ang BT talong ay may malaking market sa Southeast Asia, ayon pa sa opisyal.

Suportado naman ni USM Pres. Dr. Jess Derije ang nasabing open field trial kasama ang mga lokal na opisyal ng bayan at probinsiya.
BM Vicente Sorupia

Kabilang sa dumalo sa nasabing Study Visit sina BM Vincente Suropia, may hawak ng Committee on Agriculture ng SP, Councilor Reyman Saldivar, Municipal Agriculturist mula sa iba’t-ibang munisipyo sa bayan ng North Cotabato.

Ang presentasyon ng BT at Non BT na talong ay pinangunahan nila Co-project leader Dr. Concepcion Bravo ng College of Agriculture, Dr. Lourdes Taylo ng UPLB at Vice President for Research and Extension Dr. Emma Sales at iba pang mga stakeholders. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento