Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM, may bago ng Vice President for Resource Generation and Entrepreneurial Services

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 4, 2012) ---Itinalaga kahapon ng tanghali ni USM Pres. Dr. Jess Derije bilang bagong Vice President for Resource Generation and Entrepreneurial Services si Dr. Francisco Gil “Iko” Garcia.


Si Dr. Garcia ay pormal ng uupo sa nasabing posisyon ngayong araw matapos na matanggap nito ang appointment kahapon kasabay ng nagpapatuloy na in-house Review sa pamantasan.

Papalitan ng opisyal ang binakanteng posisyon ni dating RGES Vice President Dr. Abraham Castillo na nakatakdang magretiro sa edad na 65 taong gulang sa buwan ng Nobyembre.

Kaugnay nito, bagama’t wala namang pagbabago sa pamamalakad sinabi ng opisyal na magkakaroon lamang ng operations review sa mga Income Generating project ng pamantasan.

Tiniyak ni Dr. Garcia na susunod naman ang kanyang pamunuan sa mandato ng pamantasan na kailangan ang mga resource generation services ay makakapag-stand alone, ito dahil sa papaliit ang ibinibigay na pondo ng pamahalaang nasyunal sa mga state universities and colleges kagaya ng USM.

Papalit naman si Bernabe Modia bilang Acting Officer ng Director for Finance and Management Services sa binakanteng posisyon ni Dr. Garcia. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento