Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 na mga tulak droga; arestado sa magkahiwalay na operasyon ng otoridad sa Carmen at Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 2, 2012) ---Timbog ng otoridad ang apat katao na sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga sa magkahiwalay na operasyon nila sa bayan ng Kabacan at Carmen, North Cotabato.


Alas 3:00 ng hapon nitong Huwebes, huli ang tatlo sa Poblacion, Carmen na kinilala ni PCI Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP na sina Reynaldo Libag Doctollero, 36, may asawa; Roden Encarnacion Quiao, 21, walang asawa at Ronito Lasagas Acharon , 29 lahat ay residente ng Mantawil St., Pobalcion, Kabacan, Cotabato.

Nakumpiska mula kay Libag ang dalawang piraso ng P500 piso bill bilang marked money.

Bukod dito, narekober naman kina Quiao at Acharon ang 0.05 grams ng shabu.

Nanguna sa nasabing buy bust operation ang element ng Carmen PNP na pinangungunahan ni Maribojo, Lt Generoso Tayo at ng PDEA-12.

Samantala sa bayan ng Kabacan, arestado naman ng Kabacan PNP ang isang Rizalde Payawan, 33, residente ng Mercado St., Poblacion ng bayang ito makaraang mahulihan ng illegal na droga

Hinuli ang suspek alas 12:45 ng tanghali nitong Biyernes.

Nanguna sa nasabing operasyon si P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, PCI Tirso Pascual at ilan pang mga element ng pulisya.

Kasong paglabaga sa RA 9165 ang kakaharapin ng mga nahuli. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento