(Midsayap, North Cotabato/July 6, 2012) ---Abot
sa higit isang libong mga kabataan mula sa pampubliko at pribadong paralan sa
elementarya at high schools ang aktibong dumalo sa launching ng national
nutrition month sa Midsayap, North Cotabato kamakalawa.
Kaugnay ng temang “pagkain ng gulay ugaliin,
araw- araw itong ihain”, naghanda ng mga
activities ang municipal nutrition committee para sa month- long celebration
tulad ng nutri quiz, poster making, at sports events.
Ayon kay Municipal Nutrition Officer Gladys
Paulo, layunin ng programang itaas ang awareness ng mga mamamayan tungkol sa
kahalagahan ng gulay sa isang malusog na komunidad.
Katulong naman ng lokal na pamahalaan sa
inisyatibong ito ang barangay health workers, barangay nutrition scholars, day
care workers at non- government organizations.
Pinangunahan ni North Cotabato First
District Cong. Jesus Sacdalan ang launching activity.
Bilang suporta sa local nutrition
initiatives, inihayag ng opisyal na magkakaroon ng milk feeding program sa
Midsayap at iba pang mga bayan sa unang distrito. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento