Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Buhawi nanalasa sa 2 mga brgy. sa bayan ng Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/July 2, 2012) ---Abot sa P2.5M ang iniwang danyos makaraang manalasa sa dalawang mga brgy. ng Antipas, North Cotabato ang malakas na buhawi 7:45 ng umaga nitong Sabado.


Ayon kay PCI Felix Fornan, chief of police ng Antipas PNP wala naman umanong may nasawi sa nasabing insedente.

Sinabi ng opisyal na malawak na ektarya ng mga sakahang lupa ng mga magsasaka sa mga brgy ng Canaan at Camutan ang sinira ng nasabing buhawi.


Kabilang sa mga pananim na nasira ay ang mga plantation ng saging at taniman ng goma, ayon kay ABC Chairman Daniel Golosino.

Kabilang din sa mga tinamaan ng buhawi ay ang sakahan na pag-mamay-ari nina Dante Ambol at Renante Sarbon, ayon sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report, bago pa man nanalasa ang buhawi ay nakaranas na ng malakas na hangin at sinundan pa ng malakas na ulan ang  mga residente sa lugar.

Nagdulot naman ng pangamba sa mga residente maging sa Poblacion ang nasabing pangyayari kungsaan pinagtakhan ng mga tao sa nasabing brgy. kung bakit palaging dinadaan ng buhawi ng bayan ng Antipas.

Ang buhawi na nanalasa sa nabanggit na bayan ay pangatlong beses ng nangyari ngayong taong ito lamang.

Pero ang pinakahuling pangyayari ay ang pinakamalakas at mapinsala.

Ang bayan ng Antipas ay makikita sa sentro ng Arakan valley kung saan may average rainfall na 72mm sa buong taon base sa data ng MDRRMC. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento