Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Peace and development dialogue, isinagawa sa North Cotabato 1st District

(Midsayap, North Cotabato/July 6, 2012) ---Pinangunahan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang dalawang araw na peace and development dialogue na isinagawa sa CJNS Kapayaapaan Hall, Midsayap, Cotabato.


Dinaluhan ito ng mga barangay leaders at municipal officials mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.

Ginawa ang natukoy na peace dialogue kasunod ng napabalitang may naglilibot sa mga barangay na humihikayat sa mga taong maghanda na ng armas dahil sa nagbabadyang kaguluhan.

Ngunit sinabi ni Cong. Sacdalan na maayos at “very cordial” ang isinasagawang peace talks sa pagitan ng GRP at MILF, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Nilinaw din ng opisyal na hindi totoong “failure” diumano ang kasalukuyang usapang pangkapayapaan.

Si Cong. Sacdalan ang chairperson ng House Special Committee on Peace, reconciliation and unity at isa sa mga itinalagang observer ng GRP- MILF peace negotiations.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento