Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“No sticker, No entry” sa mga tricycle na bumibiyahe sa loob ng USM, simula ngayong araw; USM may bagong ambulansiya

(Kabacan, North Cotabato/July 2, 2012) ---Matapos ang isang buwang ultimatum na ibinigay ng pamunuan ng USM Security Services and Management sa lahat ng mga tricycle driver’s and operator na bumibiyahe sa loob ng Pamantasan.

Bawal ng pumasok ang mga ito kapag walang sticker ng USM, simula ngayong araw.

Ito ayon kay USM Security Services and Management Director Orlando Forro upang matiyak na ang lahat ng mga tricycle na bumibiyahe sa loob ng USM Main Campus na nakapagkuha ng driver’s license , registration sa munisipyo at pagsunod sa mga alituntunin ng security services ng USM.

Sinabi pa ni Forro na ang nasabing hakbang ay bahagi ng programa para masawata ang anumang kolurom na tricycle na bumibiyahe sa loob ng campus at matiyak na ang lahat ng bimibiyahe ay hindi 2-stroke na motorsiklo.

Samantala, isasagawa naman ngayong umaga sa USM gymnasium ang weekly convocation program ng USM kungsaan may maikling programang inihanda para sa kaarawan ni USM Pres. Dr. Jess Derije.

Samantala darating naman ngayong araw ang bagong ambulansiya ng USM na gagamitin ng USM hospital. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento