(Kabacan, North Cotabato/July 6, 2012) ---Arestado
ang dalawa katao makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP na humihithit
ng illegal na droga na pinaniniwalaang shabu sa loob ng kwarto sa isang residential
house sa Roxas St., Poblacion, Kabacan alas 10:22 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng
Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Mark Abu Adman, 38, may asawa, negosyante at
residente ng Brgy. Malatunol, Palimbang, Sultan Kudarat at ang isa pang kasama
nitong nagpa-pot session na si Janeth delos Santos Baltazar, 19, may asawa, GRO
at residente ng Roxas St., pobalcion ng bayang ito.
Narekober sa possession at kustodiya ng mga
ito ang isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng white
crystalline o mas kilala sa tawag na shabu at iba pang illegal drugs
paraphernalia.
Sa ngayon nasa Kabacan lock-up cell ang
dalawa habang inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nahuli ang dalawa makaraang nagasagawa ng operasyon
kapkap bakal at kampanya kontra anumang kriminalidad sa bayan ng Kabacan ang
mga elemento ng Kabacan PNP.
Samantala... nagsagawa ng buybust operation
ang pinagsanib na pwersa ng kabacan PNP, Cotabato Police Public Safety Company
ni Supt. Alex Tagum at 2nd Manuever Company of RPSB sa isang
pinaniniwalaang bigtime drug pusher sa Sitio Nasag, Brgy. Kilagasan, Kabacan,
Cotabato kahapon ng hapon.
Nakatakas ang suspek na kinilala ni Supt.
Raul Supiter na si Datu Ali Salamat alias Abs ng matunugan nito na paparating
ang tropa ng mga arresting team.
Subalit narekober naman sa bahay nito ang
isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu, marked
money na P500.00 iba pang mga drug paraphernalias at ang cash money na
nagkakahala sa P4,020.00 di pa kasali dito ang mga barya.
Agad namang dinala sa impilan ng pulisya ang
mga narekober na ebedensiya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento