(Kabacan, North
Cotabato/ June 17, 2013) ---Sugatan ang Human Resources Management Director ng
University of Southern Mindanao makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang
suspek sa may Uyangurine St., Poblacion, Matalam, Cotabato alas 6:40 kagabi.
Kinilala ng Matalam
PNP ang biktima na si Dr. Cynthia Alpas, 45-anyos at residente ng nabanggit na
lugar.
Batay sa inisyal na
report ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP habang nagtetext umano ang
biktima sa loob ng kanyang sasakyan na Mitsubishi adventure kulay berder at may plate number
ZGD 481 na nakaparada sa loob ng kanilang compound ng pagbabarilin si Dr. Alpas
ng dalawang beses ng mga di pa nakilalang mga salarin sa harap ng gate ng
kanilang bahay.
Nagtamo ang biktima
ng isang tama ng bala sa kaliwang baiwang nito.
Narekober sa crime
scene ang isang basyo ng .45 na pistola na ginamit sa nasabing pamamaril.
Sa report ni PCI
Elias Dandan, hepe ng Matalam PNP nasa mabuti na umanong kondisyon ang biktima
kagabi ng isinugod sa ICU ng Kidapawan Medical Specialist.
Iniimbestigahan pa
ngayon ng mga pulisya kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril.
Nitong Sabado ng
gabi, sinunog ng mga di pa nakilalang mga salarin ang Toyota Furtuner ni
Director Orlando Forro ng Physical Plant Services at dating USM Security
Services and Management habang nakaparada ito sa kanilang bahay.
Sunog ang likurang
bahagi ng kanyang sasakyan.
Nagkakahalaga ang
nasabing sasakyan ng abot sa higit P1M.
Inaalam pa ngayon ng
mga otoridad kung may kaugnayan ang nasabing pangyayari sa gusot sa USM.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento