(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2013) ---Sinunog
ng mga di pa nakilalang salarin ang likurang bahagi ng bahay ni dating Director
ng USM Security Services and Management Prof. Orlando Forro pasado alas 11
kagabi.
Sa panayam ng DXVL News kay Director Forro
ngayong umaga sinabi nitong natupok ng apoy ang likurang bahagi ng kanyang
sasakyan na Fortuner kulay itim.
Agad namang naapula ang nasabing sunog ng
tumulong ang mga kapitbahay at mga tao sa paligid ng Roxas St., Pobalcion,
Kabacan.
Bago nangyari ang insedente, isa sa mga anak
kasi ni director totong ang nakakita na may umaapoy sa likuran ng kanilang
bahay.
Maswerte namang walang may nasaktan maliban
na lamang sa malubhang danyos sa nasabing sasakyan kungsaan ang dalawang tire
ng nasabing fortuner ang natupok ng apoy kasama na ang likurang bahagi at wind
shield nito.
Naiwan pa umano ang isang container na gallon
na naglalaman ng gasolina sa loob ng bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, wala pa
silang nakikitang motibo sa nasabing insedente.
Sa panayam kay Director Forro, wala naman
siya’ng naagrayadong tao maliban na lamang umano ng hinawakan nito ang posisyon
bilang head ng USM security Force.
Ang USM ay nahaharap sa kontrobersiyal at
naging National isyu makaraang ilang araw na walang pasok ang libu-libung
mag-aaral nito dahil sa di pagkakasundo ng Pangulo ng unibersidad at grupo na
nais patalsikin sa pwesto ang Presidente.
Ngayong araw sinabi ni Dr. alimen Sencil na
gagawin nila ang ceremonial opening sa USM main gate matapos na mamagitan sa
nasabing gusot si 2nd District Rep. Nancy Catamco nitong nakaraang
araw at naibigay ang demand ng mga raliyesta na mag-LOA ang Pangulo, maglagay
ng OIC at ang muling pagsisiyasat ng panigabong FFC mula sa tatlong independent
body ng gobyerno.
Dahil sa mapayapang pag-uusap sa munisipyo
ng Kabacan nitong Biyernes kasama ang ilang matataas na opisyal mula sa PNP at militar
ay napagkasunduan mula naman sa panig ng mga raliyesta na bubuksan ang USM at
tiyaking makapag-klase na ang mga estudyante bukas makabalik trabaho na rin ang
mga empleyado nito. (Rhoderick BeƱez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento