(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2013) ---Muling isinara ng mga raliyesta ang main gate ng University of Southern Mindanao o USM Main Campus dito sa bayan ng Kabacan ngayong umaga.
Sinabi ng taga pagsalita ng mga raliyesta sa USM na si Raffy Tadeo, ito ay bilang pagkondena nila sa pagmamatigas umano ni USM president Jesus Antonio Derije.Una nang ipinanawagan ng grupo nina Tadeo na bumaba na sa puwesto si Derije bilang presidente ng unibersidad dahil sa ilang mga anomalya.
Ilan dito ang paggamit umano ni Derije sa pondo ng unibersidad at pagtanggal ng ilang proyekto sa loob ng USM.
Pero lahat ng mga ito ay may mga dokumento na ang Pangulo hinggil sa mga anomalyang ibinabato sa kanya.
Katunayan, naging paborable ang naging resulta ng Fact Finding Committee at ang katatapos na board of Regents Meeting kay Re-appointed Pres. Dr. Derije na bagay na inalmahan ngayon ng mga kampo ng raliyesta.
Sa isang pahayag, di naman umano sinabi ni Tadeo ang kanyang pagkakakilanlan, dahil ayon sa pamunuan ng USM, wala silang record sa na may prof. na Tadeo ang pangalan sa USM, hindi rin umano lehitimong kasapi ng faculty angnasabing tagapagsalita.
Sa Kabilang banda, aminado si Tadeo na ang kanilang muling pagkasa ng rally sa pamamagitan ng pagsara sa mga lagusan ng Pamantasan ay hindi pumabor sa kanila ang resulta ng ng FFC.
Ang pagsasara ng mga lagusan ng USM ay bagay na kinokondena ngayon ng grupo ng USG sa katauhan ni USM Pres. Kathleen Costes bagamat isa sila sa mga tumututol sa muling pagbabalik ng Pangulo ng Pamantasan.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isang emergency meeting ng Municipal Peace and Order council Meeting ngayong hapon.
Kaugnay, nagsasagawa na ngayon ng hakbang ang pamahalaang lokal ng Kabacan para lang maibalik sa normal ang sitwasyon ng USM.
Anila, wala umanong kinakampihan ang LGU at karapatan ng mga raliyseta ang magsagawa ng kilos protesta pero karapatan din ngayon ng mga mag-aaral ng USM na makapag-aral ng Malaya.
Pumalag ngayon ang ilangmga mag-aaral ng USM dahil sa ginawang anunsiyo ni VPAA Dr. Antonio Tacardon kaninang umaga na tuloy ang klase sa USM dahil sa ang USM security Force ang naka-manned ngayon sa gate na nasa USM Hostel at USM Annex.
Pero matapos ang anunsiyo sa himpilang ito at pagdagsa ng mga tricycle lulan ang ilang mga kawani at estudyante ng USM kaninang umaga, agad na binarikadahan ng mga raliyesta ang nasabing daanan na nagresulta sa pagkabuhol-buhol ng daloy ng trapiko.
Hindi natuloy ngayong araw ang sanay, freshmen orientation at ilangmga academic activities ng Pamantasan ng USM.
Marami sa mga estudyante ang excited sana unang araw ng pasukan pero dismayadong umuwi angmga ito sa kanilang boarding houses at bahay na may agam-agam kung sila pa ba ay ligtas na muling makakapasok sa Pamantasan.