(Kabacan, North Cotabato/ June 14, 2013) ---Binaha ang ilang mga lugar sa Kabacan bunsod ito ng malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kahapon.
Batay sa report ni itinalagang Poblacion Kapitan Edna Macaya sa panayam sa kanya ng DXVL News ngayong umaga, iniulat ang pagsilikas ng ilang mga residente ng Plang Village 2 makaraang sinalanta ang mga nasa mababang lugar ng pagragasa ng tubig baha.
Tumaas din kasi ang lebel ng tubig sa Kabacan river kungsaan apektado ng nasabing baha ang ilang mga lugar ng brgy. Aringay, Salapungan, Magatos, Pedtad, Upper Paatan, Lower Paatan ilang bahagi ng Katidtuan.
Samantala, pinasok din ng tubig baha ang ilang mga pamamahay sa Purok 5 at Purok 4-A ng brgy. Malamote, ilan sa mga residente ang nag-alsa balutan na para di mabasa ang kanilang gamit.
Bukod sa nasabing report hanggang tuhod na rin ngayon ang tubig baha s Purok Masgana, ayon sa report ni Kapitan Macaya sa panayam ng DXVL News ngayong umaga.
Aniya pumasok na sa mga kabahayan ang tubig baha.
Agad namang pinulong ni Macaya ang kanyang mga opisyal para sa nakatakdang pagbibigay tulong.
Maliban sa nabanggit, binaha rin ang purok National sa Poblacion, Kabacan, kasama na ang purok Regta.
Binaha rin ang brgy. Osias kungsaan ang bahay ni Mrs. Cora Diaz ay pinasok na rin ng tubig baha.
Batay sa impormasyong nakuha naman ng DXVL News, lampas tuhod na rin ngayon ang tubig baha sa Sitio Lumayong na nasa brgy. Kayaga.
Ala 1:00 ng medaling araw kanina, tumas ang tubig baha sa Sitio Malabuaya.
May mga residente rin sa bayan ng Carmen na nagpaabot ng text message sa DXVL kungsaan ang bahagi ng Ugalingan ay binaha na rin.
Ang brgy. Pedtad ay binaha dahil na rin sa pag-apaw ng Pulangi river.
Iniulat din ngayong umaga ang pag-apaw ng tubig baha sa Mateo Bridge na sakop ng bayan ng Matalam.
Kaugnay nito, nananawagan ngayon ang mga residente sa lugar sa mga kinauukulan na siyasatin ang nasabing tulay dahil sa may mga nakahambalang na mga kahoy dala ng pag-apaw ng tubig baha mula sa itaas na bahagi.
Mahirapn umano ang mga motorista sa pagdaan sa nasabing tulay na baka mawasak ang pundasyon nito.
Samantala, sa hiwalay na panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Municipl Disaster Risk Reduction Management Officer Dr. Cedric Mantawil na ilan sa mga paaralang elementarya na sakop naman sa bayan ng Kabacan ang sinalanta din ng tubig baha.
Ipinauubaya naman nito sa DepEd ang pagkansela ng klase kung sakaling di magamit ang mga classrooms.
Sinabi ni Mantawil na walang namang mga pamamahay ang inanod ng baha pero possible umanong mag-iwan naman ng malaking danyos ang pagbaha sa agrikultura lalo na sa mga magsasaka ng bayan.(Rhoderick BeƱez)