Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gusot sa USM, nakarating na kay Pnoy –ayon kay Gov. Lala

Gov. Emmylou "Lala" Taliño Mendoza
(Kabacan, North Cotabato/ June 13, 2013) ---Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Benigno Aquino III ang nangyayaring gusot sa University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi ngayong hapon sa eksklusibong panayam ng DXVL News Kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Mismong si Pnoy pa umano ang unang nagtanong sa gobernador sa kalagayan ng USM sa isinagawang oath taking ng mga bagong halal na gobernador sa Malakanyang.

Ayon kay Mendoza, malaki ang concern at aware umano ang Pangulo sa mga nangyayari sa loob ng USM.

Sa kanilang pag-uusap ng Pangulo, inilahad nito ang posisyon ng dalawang panig batay na rin sa kanilang ginawang pagtutok sa usapin. Binigyang diin ng opisyal sa kaniyang pakikipag-usap kay Pangulong Aquino ang karapatan ng magkabilang panig.

Sinabi ni Mendoza na may karapatan si USM President Jesus Antonio Derije matapos itong i-reappoint ng USM BOR gayundin may karapatan din aniya ang mga raliyesta na magsagawa ng pagkilos dahil sa umano’y mabagal na pagtugon ng Office of the Ombudsman sa mga kasong isinampa ng mga ito laban sa Pangulo nito pang 2010.

Nagkaroon din ng pagkakataong makausap ng Gobernadora si DILG Sec. Mar Roxas.

Sa kanilang pag-uusap mas marami umanong bagay ang naitanong si Sec. Roxas tungkol sa USM issue.

Tinukoy pa ng Gobernadora na kung isyu ng Presidency ang pag-uusapan, may mga nakausap umano siyang mga miyembro ng USM Faculty at sinabing kung sakaling papalitan si Derije, ay ayaw ng mga itong manggagaling sa loob ng pamantasan ang papalit sa layuning maiwasan ang mas kumplikado pang sitwasyon.

Matapos magkausap ang dalawa, nakatakda namang kausapin ni DILG Secretary Mar Roxas si CHED Chairman Patricia Licuanan upang mapadali ang pagresolba sa usapin. (Rhoderick Beñez and Allan Dalo)