Ex-Gov. Manny Piñol |
Sa kaniyang official facebook account, sinabi ng dating opisyal at isa ring alumnus ng USM na personal siyang nagpadala ng text message kay Pangulong Aquino at ipinabatid ang kasalukuyang sitwasyon sa pamantasan.
Sa kanyang text message hiniling ng dating opisyal sa Pangulo na atasan ang mga concerned government agencies na mamagitan na sa isyu dahil sa nagpapatuloy na pagkilos ng mga reliyesta kung saan nagdulot ito ng pagkakabalam ng pasok ng libu-libong mga estudyante.
Maging iba pang operasyon ng unibersidad, paralisado din matapos na isara ang lahat ng lagusan sa pamantasan.
Agad namang tumugon ang Pangulong Aquino at sinabing tututukan nito ang problema sa pamantasan.
Ang hakbang ay ginawa ni Piñol dahil sa umano’y kawalang aksyon at determinasyon ng mga local officials na resolbahin ang isyu.
Nilinaw naman ni Piñol na hindi naman sa nagsa-“sour-graping” ito matapos matalo sa eleksyon bagkus, concerned lamang ito at nais lamang na maibalik ang normalcy sa pamantasan kung saan rin siya nagtapos.
Bukas, Hunyo-14, mag-aanim na buwan na ang kilos protesta sa USM. (Allan Dalo)