Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hinaing ng mga raliyesta, ipinarating ni Cong. Catamco kay DILG Mar Roxas

2nd District Rep. Nancy Catamco
(Kabacan, North Cotabato/ June 14, 2013) ---Ipinarating na ngayon ni Congresswoman Nancy Catamco ang hinaing ng mga raliyesta kay Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas para mabigyan na ng agarang solusyon ang gusot sa University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi ng mambabatas sa hiwalay na panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagtitiyak na ginagawa nito ang paraan para matuldukan na ang sigalot sa Pamantasan.

Namagitan si Catamco dahil abot sa higit tatlong daan ang scholars nito sa USM at marami na ring mga magulang ang humihingi ng tulong sa kanya.

Una na ring ipinarating ng opisyal ang isyu kay Pangulong Aquino.


Samantala, kinausap din ni Congresswoman Catamco kahapon ang mga raliyesta at sa pamamagitan ng telepono ay ipinarating niya ang hinaing ng ng mga ito kay DILG Sec. Roxas.
 

Kaugnay nito, umaasa ang opisyal na maibalik na ang klase sa USM sa Lunes ng mapayapa sa pamamagitan ng mahinahong pag-uusap.


Iginiit pa nitong sa bawat karapatan na ating tinatasama may kaakibat umano itong “moral obligation” sa bawat isa.


Karapatan ng mga raliyesta na magsagawa ng pagkilos para maiparating sa kinauukulan yung kanilang ipinaglalaban, pero karapatan din ng mga mag-aaral na malayang makapag-aral ng walang agam agam sa kanilang seguridad ng di masasakripisyo ang kalidad na edukasyon, ayon pa sa opisyal. (Rhoderick BeƱez)