(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2013)
---Gagawin ngayong ang University Orientation sa mga mag-aaral ng University of
Southern Mindanao alas 7:00 hanggang alas 8:00 ng umaga sa university
Gymnasium.
Batay sa programa ng Office of the student
Affairs at University Guidance Center dalawang araw gagawin ang orientation.
Bukas nakatakdang isalang ang mga mag-aaral
sa nasabing programa ng unibersidad ang buhat sa College of Engineering and
Computing, College of Education, College of Veterinary Medicine, College of
arts and Sciences, College of Health and Sciences, College of Industries and
Technology and Institute of Sports Physical Education and recreation.
Magbibigay din ng kanyang mensahe si USM OIC
Atty. Christopher Cabelin.
Samantala si Dr. Lorna Valdez naman ang
magpapaliwanag ng Student Conduct Discipline habang si University Registrar
Lucia Cabangbang naman ang sa Academic Policies and Policies on Students
Records.
Ipapaliwanag naman ni Prof. Carlito Maarat
ang hinggil sa Student Affairs ang programa at serbisyo nito.
Health and Hospital Services naman ang kay
Dr. Deodatu Garcia at Library Services naman kay Dr. Anita Sornito ang Director
ng University Library and Resource Center.
Samantala bukas June 20, gagawin naman ang
orientation sa College of Agriculture, College of Business Development and
Economic Management at Institute of Middle East and Asian Studies. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento