(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2013)
---Natangay ng mga magnanakaw ang humugit kumulang sa Limang libung cash
makaraang ninakawan ang Faculty House na nasa loob ng USM Main campus.
Sa panayam ng DXVL News sa staff ng FA
posible umanong dumaan sa likurang bahagi ng pintuan ang di pa nakilalang
salarin.
Ang perangnakulimbat ay collection ng Review
Center sa ilalim ng pamamahala ng Faculty Association.
Maliban sa cash wala namang mga mahahalagang
gamit o dokumento ang nawala sa nasabing tanggapan.
Nangyari ang insedente noong linggo, ayon sa
staff ng FA. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento