MILF, isinapubliko na sa pamamagitan ng media ang pormal na pagbasura ng GRP Peace proposal
Matapos ang pormal na pagsapubliko sa pamamagitan ng media nang pagbasura ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng draft ng propose political package ng Government of the Philippines (GPH) panel na inihain sa usapang pangkapayaan na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia, umaasa pa rin ang dalawang panig na uusad pa ang pag-uusap hinggil dito.
Ito ang naging reaksiyon ni Mindanao People Peace Movement – Bangsamoro Secretariat Abdulkadir Abubakar sa pahayag ni MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim sa ginanap na press conference sa Camp Darapanan , Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga.
Naniniwala naman ang pamunuan ng MPPM nakung sakaling di matutuloy ang usapan ay posibleng magkakaroon na naman ng karahasan sa bahaging ito ng Mindanao na siyang ginagawan ngayon ng paraan ng dalawang grupo para maiwasan.
Sa naging pahayag ni Murad sa isang punong balitaan mula sa sa MILF Central Committee buhat sa Bangsamoro Homeland kahapon, sinabi nitong hindi umano sagot ang otonomiya sa problema ng Bangsamoro sa Mindanao.
Anya, mga corrupt officials lamang umano ang nakikinabang dito at ginagawang gatasan lamang nila ang pagiging autonomy.
Kaugnay nito sinabi ni Abubakar na di umano naniniwala si Kato na ang pag-uusap ng dalawang panig kamakailan sa Kuala Lumpur , Malaysia ay may magandang resulta, dahilan kung bakit nagpasya itong kumalas sa hanay ng MILF.
Nilinaw naman ni Murad na nagpapatuloy pa ang kanilang negosasyon kay Kumander Ameril Ombra Kato para bumalik sa MILF. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento