Police Report: Libong halaga ng pera natangay ng mga hold-uper sa isang lending firm sa Kabacan, Cotabato; motorsiklo na pag-mamay-ari ng gobyerno ninakaw
Abot sa P22,070 ang natangay ng dalawang mga holdaper makaraang mahold-up ang isang KMBI lending firm na makikita sa Purok Kapayapaan, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:50 ng umaga noong Biyernes.
Batay sa report na nakasulat sa pulis blotter ng Kabacan PNP, nabatid mula kina Paz Aguilar Gramio, 48 taong gulang, taga-ingat yaman ng nasabing lending firm at Myrna Canto Aguilar, 48, may asawa at miyembro ng KMBI kapwa residente ng Kilagasan na batay sa salaysay ng mga ito pinasok ng dalawang salarin ang nasabing lending firm kungsaan isa sa mga suspect ay may dalang di matukoy na uri ng armas at agad nag deklara ng hold-up.
Matapos maisakatuparan ang masamang balakin at matangay ang nasabing halaga ng pera mabilis na tumakas ang dalawang hold-uper papuntang direksiyon ng Kabacan Public Market.
Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng Kabacan PNP subalit di na nila naabutan ang mga salarin.
Samantala, isang motorsiklo na pagmamay-ari ng gobyerno ang ninakaw dakong alas 6:35 ng gabi noong Biyernes habang nakaparada ito sa harap ng Tennis Court, Rizal Avenue, National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Sa report ng Kabacan PNP, nabatid mula kay Dionisio Nadela Aquino, 46, may asawa, empleyado ng pamahalaan at residente ng Purok Bukang Liwayway, Poblacion ng bayang ito.
Nang ipinarada lamang nito ang kulay pulang Honda XRM 110 na may red plate # SM-1292 sa nasabing lugar ng tangayin ng di kilalang magnanakaw.
Ito ang kauna-unahang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan batay sa report ng Kabacan PNP ngayong buwan ito ng Setyembre.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento