Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pampasaherong Motorsiklo na mula sa Kabacan; biktima ng robbery hold-up; libung halaga ng pera natangay ng mga hold-upers

Agad narekober ng mga kapulisan ng Kabacan PNP sa brgy. Lepaga, Mlang, Cotabato ang inabandonang motorsiklong sasakyan makaraang ma-hold-up ito ng apat na mga salarin ala 1:00 ng hapon noong Biyernes.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan nabatid na habang nag-aabang ng pasahero sa bahagi ng Bonifacio St., ng bayang ito si Kusain Sulang, 41, may asawa at residente ng Sitio Malabuaya, brgy. Kayaga, Kabacan ng parahan siya ng apat na mga pasahero at pinakiusapan na ihatid sila sa bayan ng Matalam sa halagang P500.00.

Subalit pagdating nila sa nabanggit na bayan, isa sa apat na pasahero ang nagsabi na magdadagdag sila ng P300.00 na pamasahe para idiretso na lang sila sa bayang ng Mlang.

Pagdating sa brgy. Dugong sa bayan ng Mlang nakiusap naman silang ihatid sa bayan ng Tulunan subalit tumanggi si Kusain kaya naman inilabas ng dalawang pasahero ang kanilang baril at tinutukan ang driver na si Kusain, ng di makapalag ang driver, agad tinangay ng mga salarin ang perang nitong nagkakahalaga ng P11,000.00.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay sa nasabing sasakyan papunta ng Tulunan subalit ng maubusan ng gasolina ang nasabing sasakyan agad sumakay sa isang pampasaherong Van na may rutang pa Tacurong, ang mga salarin.

Dakong alas 5:30 ng hapon na ng marekober ito ng mga kagawad ng Kabacan PNP ang nasabing motorsiklo.

Ayon kay P/Supt. Joseph Semillano ang nasabing sasakyan ay isang kulay pula na Kawasaki HD-III, walang plate number at may control No. 0694.Rhoderick Benez, DXVL News!


0 comments:

Mag-post ng isang Komento