Paggamit ng cellophane ng mga establisiemento at ilan pang pamilihan sa bayan; walang ng kawala sa susumod na linggo
Matapos magbigay ng isang buwang palugit ang pamunuan ng MENRO Kabacan hinggil sa pagbabawal na sa paggamit ng cellophane bilang pambalot sa mga pinamili, kasado na umano ang grupo ng MENRO na manghuhuli sa susunod na linggo
Ito ang iginiit ni Kabacan Municipal Environment and Natural Resources officer Jerry Laoagan hinggil sa puspusang pagpapatupad ng Municipal Ordinance # 2011-008.
Sinabi pa ni Laoagan na marami pa umano sa ilang mga establisiyemento partikular na sa USM Avenue ang di pa rin sumusunod sa nasabing batas.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panawagan ng opisyal na sa susunod na linggo ay maghuhuli na sila.
Ito anya ay para na rin sa kapakanan ng lahat lalo pa na nakikitang dahilan kung bakit bumabara ang mga pangunahing kanal ay ang mga cellophane na kumakalat dito.
Ang nasabing ordinansa ay ipanatupad noong Agosto a-uno ng kasalukuyan, subalit humingi ng ekstensyon ang iilang mga estableshimento upang maka pag handa at maubos ang kanilang iilang natitirang plastic.
Ayon kay Laogan, sa kabila nito napansin rin nito na umakyat na sa 80 porsyento ng ating mga kababayan ang sumusunod sa nasabing ordinansa. Pinapaalala naman ang ang mga karampatang parusa sa mga hindi sumusunod. Limang daang piso para sa unang paglabag, isang libo para sa ikalawa at isa’t kalahating libong piso at isa hanngang anim na buwang pagkaka kulong sa ikatlong paglabag.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento