Sari-saring reaksiyon ng mga mag-aaral sa katatapos na Ms. Universe Pageant Night; Alamin…
Hiyawan, sigawan at magkahalong saya at kaba ang naramdaman ng ilang mga kababayan natin habang nanonood kanina sa telebisyon ng Ms. Universe Pageant Night na ginanap sa Sao Paulo, Brazil.
Dito sa USM, kabilang din sa mga tumutok ay ang ilang mga mag-aaral at faculty and staff kungsaan mula pa sa simula ay nag-aabang na ang mga ito.
Sa CAS Lobby punong puno ng mga estudyante makaraang binuksan ang big screen ng kolehiyo.
Alas nuwebe pa lang ng umaga ay pinaka aabangan na ng ilang estudyante at guro dito sa USM sa kani-kanilang department office ang naturang pageant.
At nang nakapasok na sa Top 16, top 10 at top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Ms. Shamcey Supsup ay hindi magkamayaw ang ibinigay nilang suporta at nakakabinging tili at sigaw ang kanilang ginawa para suportahan si Supsup.
Nang ianunsyo na ang ranking ng top 5 at mahirang bilang Ms. Universe 3rd runner up si Ms.Shamcey Supsup ay bagamat nadismaya ang ilan sa mga estudyante at guro ngunit proud na proud pa rin sila dahil sa naibigay niyang karangalan sa ating bansa .
0 comments:
Mag-post ng isang Komento