Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50% ng mga posteng nawalan ng ilaw sa Poblacion, Kabacan; naibalik na!

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Naibalik na ang ilaw sa 23 mga poste mula sa 53 pinutulan ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o cotelco matapos na bigong makabayad ang Barangay Pobalcion.

Ito ang inihayag ni Kapitan Mike Remulta sa isang panayam ng DXVL News kahapon.


Aniya, may ginawa ng Memorandum of Agreement ang kasalukuyang administrasyon ng Barangay sa pagitan ng Cotelco.

Nagbigay na rin ngayon ng inisyal na bayad ang Poblacion sa Cotelco ng P160,000.00.

Batay sa report, abot kasi sa higit kalahating milyun ang utang ng Barangay sa kooperatiba dahilan para maputulan ng kuryente ang mga ito.

Samantala, sinabi ni Kapitan Remulta na nangangailangan sila ngayon ng electrician.

Sa mga gustong mag-apply, magtungo lamang sa Barangay para sa mga kwalipikasyon at karagdagang impormasyon.

Ang standby electrician ay magtitiyak na ang lahat ng mga poste ay umiilaw at kung may mga sira ay agad na mapalitan at marespondehan kung may problema sa linya ng kuryente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento