(Arakan, North Cotabato/ January 13, 2014)
---Sumampa na sa Dalawampu’t anim katao ang iniulat na sugatan habang kritikal
ang isa ng sumambulat ang malakas na pampasabog sa Presidential Cottage ng
Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa Barangay
Doroluman, Arakan, North Cotabato alas pasado alas 8:00 kagabi.
Kinilala ni Police Senior Inspector Rolly
Oranza, hepe ng Arakan PNP ang mga sugatan na sina Police Officer 1 Eleazar
Lorenzo ng Arakan PNP, Joselito Cases, Melody Caro, Albaser Manasalal, Abdul
Hapie, Darlyn Hapie, Kahar Afdal, Quibolon Mantawil, Mohammad Omar, Mario Adam,
Seer Dimapalao, Jun-Jun Yumen, Ludivico Tanongon, Adbul Duque, Mohammad Nasa,
Albert Mapas at isang kinilalang si Louie.
Sinabi ni North Cotabato PNP Provincial
Director SSupt Danilo Peralta na nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire
Protection (BFP) sa nangyaring sunog malapit sa Presidential cottage sa loob ng
Kung saan sumabog ang bomba sa gilid ng isang firetruck at tinamaan ang mga
biktima.
Karamihan sa mga sugatan ay dinala sa
Kidapawan Doctors Hospital (KDH) at North Cotabato Provincial Hospital sa
Kidapawan City.
Pinabubuo naman ni Cotabato Governor
Emmylou”Lala”Taliňo Mendoza sa pulisya ang Special Task Force na siyang
mangunguna sa imbestigasyon sa pagsabog.
Anggulong gusot sa paaralan o kaya kagagawan
ng mga terorista ang posibling dahilan sa pambobomba sa CFCST. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento